PAGSUSURI SA PELIKULA

 OUTSIDE 


   OUTSIDE

Sa Direksyon ni: Carlo Ledesma


Kaligiran ng Pelikula

Ang pelikulang "Outside" ay patungkol sa pagkakaroon ng virus na kumakalat sa sa kanilang lugar. Nagumpisa ang pelikulang ito na sila ay nasa byahe na at papunta sa bahay ng mga magulang ng bidang lalaki. Dito pinakita na pati ang ina ng bidang lalaki ay naging zombie na rin na naging sanhi upang patayin niya ng lalaki ang kanyang ina. 


Pagsusuring Linggwistiko


Wika at Dayalekto: Ang wikang madalas o parati na ginagamit ng mga gumaganap sa pelikula ay tagalog, ngunit may panaka nakang paggamit ng wikang ingles any nga nasabing karakter.


Mga Gamit ng Salita:

Ang pelikulang aking pinanood ay gumagamit ng salitang balbal or mga jargons.


Istruktura ng Wika:

Ang linyang sinasabi ng mga gumaganap na karakter sa pelikulang aking napanood ay masasabing maganda ang pagkakagawa lalo na sa ibang parte na may mga linya silang tagos sa puso ang hatid nito sa mga manonood na katulad ko.


Pagpapakahulugan:

Ang pelikulang aking napanood ay nagbibigay ng makatotohanang mga pangyayari na lalong nagbibigay ng mga magagandang parte sa nasabing pelikula. Ito ay nagpapakita din ng mga akmang emosyon para sa kanilang ginagampanang karakter sa pelikula. 


Pagsusuri ng Kulturang Penomenal


Tema:

Ang pangunahing tema ng pelikulang ito ay ang pagpapakita ng mga tunay na mga nangyayari pag nagkaroon ng ganoong sakuna. Ipinapakita din dito ang mga posibleng dapat na gawin kung sakaling tayo naman ang makaranas ng ganoong bagay. 


Representasyon ng Kultura:

Ang kulturang ipinapakita ng pelikulang ito ay ang pagkakaroon ng pakikiisa ng bawat pamilya. Makikita din dito ang pangunahing kinabubuhay ng pamilya ng bida, ito ang pagsasaka ng mga tubo nakanilang kinakain ng sila ay nauubusan na ng pagkain sa bahay na kanilang pinuntahan. Ipinapakita din ang pagmamahal ng isang kapatid sa kanya nakakabatang kapatid.


Pagkakakilanlan:

Inilalarawan ng pelikulang ito ang mga pangyayaring dapat nating gawin kung tayo ang nasa sitwasyong ito. Naipapakita din dito ang mga pagkakaroon ng hindi matibay na samahan ng isang pamilya.


Epekto sa Manonood:

Bilang isang manonood, ang pelikulang ito ay nagbibigay ng isang mensahe na kung paano maging matatag at maayos. Ipinapakita din nito na sa kagaya kong manonood kung gaano kahalaga ang pamilya sa gitna ng mga ganitong sitwasyon na kinakaharap. Ito din ay nagbibigay ng mga matitinding eksena na hindi mo na mamamalayan na ikaw napapasigaw na. 


Konklusyon:

Ang pelikulang "Outside" ay nagbibigay ng iba't ibang mensahe sa atin katulad ng pagkakaroon ng hindi matibay na pakikiisa at pakikipag tulungan ng bawat isa sa pamilya. Isa ay ang mga dapat nating gawin kung tayo ang makakaranas nito at mga dapat ihanda pag into ay ating naranasan. 


Masasabi kong sobrang ganda ng pelikulang "Outside" dahil dito makikita kung paano tayo naging matatag para sa ating mga kinakaharap na mga problema sa buhay na dapat pinag uusapan ng bawat isa sa pamilya upang ito ay maresolba at mabigyan ng agarang solusyon.









Ipinisa ni:

Adrian Rouie B. Dela Cruz

Pangkat at Antas:

STEM 11- Azalea

Guro:
Gng. Marjorie C. Dela Cruz 

Comments

  1. Nabasa at namarkahan na, amhsuay Ang PAGSUSURI na iyong ginawa

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts