Ang kulturang naipasa mula sa isang henerasyon at sa mga susunod pa. Katulad ng kulturang nakakaepekto sa pamumuhay ng mga tao sa pamamagitan ng paggamit ng sariling wika at pagkakaroon ng sariling relihiyon. Isa sa pinaka mayaman sa pagkakaroon ng kultura ay ang Pilipinas. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa timog-silangang asya, kaya ang pagkakaroon ng kultura sa bansang Pilipinas ay mahalaga dahil dito nahuhubog ang bawat isa. Dahil ito rin ay isa sa mga pinagmamalaki ng mga Pilipino, ang pagkakaroon ng mga pagdiriwang katulad ng mga festival. Isa rin sa mga pinagmamalaki ng mga Pilipino ay ang pagkakaroon ng mga masasarap na pagkaing Pilipino at magagandang tanawin katulad ng mga lumang lugar o mga dagat na madalas na dayuhin ng mga dayuhang pumapasyal sa bansang Pilipinas.
FESTIVALS
Ang pagkakaroon ng mga ganitong pagdiriwang sa bansang Pilipinas ay pagpapakita ng pagkakaroon ng sariling kultura ng isang lugar. Dito nila ipinapakita ang iba't ibang produkto o pagbibigay ng respeto sa mga santo. Ito ay ginagawa nila sa pamamagitan ng pagsayaw,pagkanta at pagkakaroon ng parada ng mga produkto o ng mga santo na kanilang sinasamba. Isa sa mga sikat na festival sa bansa ay ang ati-atihan festival sa Aklan.
FILIPINO CUISINES
Kilala ang mga Pilipino pagdating sa mga gawaing kusina. Lalo na ang isang lugar sa Pilipinas ito ang Pampanga, kilala ang ilan sa mga putaheng inihahanda ay galing sa kanila. Isa sa mga sikat na putahe na nagmula sa lugar nila ay ang kanilang espesyalidad na sisig, (ito ay kadalasang gawa sa baboy na hiniwa ng maliliit,siling pula,siling green, mayonnaise, sibuyas, at kung minsan ito ay may itlog na Lalo pang nagpapasarap sa lutuing ito) at iba pang mga putaheng galing sa lunar na ito.
HISTORICAL PLACES
Kilala din ang bansang Pilipinas sa pagkakaroon ng mga historical places na ganito. Dahil naging parte na ito ng nakaraan ng mga Pilipino. Lalo na any pagkakaroon ng mga simbahan, dahil naging tradisyon na sa mga Pilipino ang pagsisimba lalo na sa mga katoliko. Isa sa mga pinaka matandang simbahan na makikita sa Pilipinas ay ang San Agustin Chruch na makikita sa Intramuros, Maynila. Ang simbahan at iba pang lugar ang naging tulay upang malaman natin kung anong kultura at tradisyon ang meron ang nakararami sa atin.
BEACH AND SCENERY OF THE PHILIPPINES
Mayaman din ang bansang Pilipinas sa pagkakaroon ng mga magagandang mga lugar. Katulad ng rice terraces ito ay makikita sa Banaue, Ifugao. Ito din ay naging parte narin ng kanilang kultura at pamumuhay sa Ifugao. Makikita rin natin sakanila ang paniniwala sa “Bayanihan” na mahalagang aspeto ng mga tao sa isang komunidad. Sila rin ay may paniniwalang espiritwal tungkol sa usaping agrikultura, tulad ng pag-aalay nila ng anito para sa masaganang ani. Ang Banaue Rice Terraces isa sa mga naging patunay na ang mga Pilipino ay angking pagkamalikhain at pagpapanatili ng kanilang mga tradisyon.
Ang bansang Pilipinas ay meron pang iba't ibang mga tinatagong yaman, katulad ng iba't ibang mga lutong Pilipino at mga festival na nagaganap sa iba't ibang lugar sa Pilipinas. Isa ito sa mga kulturang pinapakita ng mga Pilipino na sumisimbolo sa pagkakaroon ng pagkakakilanlan ng isang tradisyon na kinikilala ng tao. Ang kultura rin ang nagbubuklod buklod sa atin sa isang komunindad para tayo ay magkaroon ng pagkakaisa, katulad ng sa Ifugao na sila ay naniniwala sa salitang “Bayanihan”. Ang bansang Pilipinas ay mayaman din sa kasaysayan ng nakaraan na naranasan ng kapuwa Pilipino. Dahil sa mga lugar na ito nananatiling buhay at maayos, upang malaman ang nakaraang kalagayan ng ating mga ninuno o bayani.
Ginawa ni:
Adrian Rouie B. Dela Cruz
Pangkat at Antas:
STEM 11- Azalea
Guro:
Gng. Marjorie C. Dela Cruz
Nabasa at namarkahan na. Maging mas maingat sa paggamit Ng malki at maliit na titik. Mas mainam rin na sariling kuhang larawan Ang gagamitin at maikonekta ito sa sariling karanasan mula sa iyong tinatalakay. Gayunman, maganda at mahusay ang iyong gawa. Mas galingan pa sa susunod.
ReplyDelete